Friday, February 11, 2011

Kasper The Ghost

Isang buwan at dalawang linggo na ang nakalipas mula ng magbreak kami ni Kasper. Parang kailan lang ramdam ko pa ng sakit ng nangyaring break up na 'yon isang pangyayaring hindi ko inakalang mangyayari. Hindi naman kasi kami nag-away. Feeling ko ok kami. Feeling ko lang pala 'yon! Tinanong ko siya kung may iba na ba siya pero di naman sinagot tanong ko. Naisip ko tuloy kung hindi na ba niya ko talaga mahal o may iba ng (nilalandi) kinahuhumalingan. "Siguro nga yumi hindi ka na niya mahal eh kasi may iba na siya! gaga! Kailangan pa bang pag-isipan 'yan?! Bisyo na 'yan!" Hindi na pala niya ko love. Kaya pala lumipas ang isang linggo na hindi man lang siya nag-effort na magkita kami kahit text wala.

May nagawa ba kong mali? Anong kulang? BAKIT?????????

Ilang lang iyan sa mga tanong na paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko noong time na 'yon. Kahit naman anong gawin kong isip hindi ko parin nakuha sagot. Masakit sa part ko .. sobra.. Pero sa kabila ng sakit na naramdaman ko ay wala siyang narinig na masama mula sakin. Walang galit na ipinaramdam sa kanya. Noong nagbreak kasi kami isa lang hiningi ko kay BRO.... hindi ang muling maging kami ni kasper kundi wag mabalutan ng galit ang puso ko... ang gusto ko lang matutong muling magpatawad even if it's unforgivable. Ayoko na kasing mangyari ang nangyari noong nagbreak kami ni Kerokeropi. Bitter kung bitter! Hanggang sa narealized ko na hindi ko na pala dapat aksayahin panahon at oras ko sa kanya. Salamat sa mga taong nagmalasakit sakin, nagbigay ng iba't - ibang opinyon at payo. Mula sa pagiging bitter nakamoved on ko .. muling nagmahal (kasper) .. nasaktan .. ngayon ay moving forward. Habang tumatagal unit-unting nagbabago feelings ko kay Kasper hindi pa man totally moved on... but he will just be the ghost of my past.

0 comments: