Matagal-tagal na rin akong hindi nagsusulat sa blongag kong ito pero hindi naman ibig sabihin na kinalimutan ko na ito. Pumapasyal naman ako dito hindi nga lang ako nagkukwento kung ano na nga bang nangyayari sa buhay ko ( as if naman na may interesadong makialam mo na yan sa life ko!) . Kung hindi lang sa studies lalo na sa duty ko(oo nagduduty na ako yehey!!) ay hindi naman ako mahihinto pansamantagal sa pagsusulat. Ang blog nandian lang 'yan. Pwede mong ipagpaliban at balikan pagkatapos gawin ang mga bagay na dapat mong unahin pagkaabalahan. Hindi tulad ng pag-aaral na dapat samantalahin habang may ibinibigay na pagkakataon. Sayang naman kung ipagwawalang bahala. At ngayon, babawi naman ako. Wento-wento na.....
Matapos ang summer class ko nagkaroon naman ako ng tatlong linggong pahinga. Oh di ba mahaba-habang bakasyon? Yung nga lang maulan naman. Parang wala lang din. Mas ginusto ko na sa bahay na lang kaysa lumabas at mabasa ng ulan. Hanggang sa nakaramdam ako nang pagkainip. Dapat kasi June 8 pa lang may pasok na kami pero dahil sa swine flu nalipat ng 15. Excited pa naman ako pumasok. Sa lumipas na semester ngayon lang ako naexcite ng ganito. Dati kasi lagi kong late magpaenroll kung hindi pangtuition ang dahilan ay ang senyales ng pagkatamad sa pagpasok. Isa lang naman ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ng pumasok hindi dahil para makita si crush (asus!) kundi ang duty namin. Sinabi ng isa sa mga prof. namin na maaapreciate namin ang nursing kapag nagduduty na kami. Totoo nga!! ( ewan ko sa iba) Application na ng natutunan - ang saya!! hehehe Masaya na mahirap na minsan parang ayaw mo na..hahaha. First two days ko nakakaba, halu-halong pangyayari- tuwa kapag ( uwian na) nagawa mo ng maayos ang tasks mo, lungkot kapag napagalitan (harhar) pero ok lang yun sabi nga ng clinical instructor namin nasa stage pa daw kami ng learning at syempre pinakamasaya ang mapuri kami dahil magagaling daw kami na estudyante niya (meganun? ) na sumalamin din sa husay ni Ma'am Lopez sa pagtuturo. Aun. YUn na Yun..hehhe
Maiba ako.. akalain mo yun may post ako kahit isa ngayong buwan na ito. harhar
0 comments:
Post a Comment