Wednesday, April 15, 2009

Masaya Din Magkasakit

Hindi lang pala puro sakit sa katawan ang inaabot kapag maysakit. Ang saya kasi hindi ako obligado na gumawa sa bahay, lahat pa ng gusto kong pagkain kahit hindi ko hinihingi ay ibinibigay. Maselan ako sa pagkain KUNg may sakit. Unang-una wala kong ganang kumain dahil wala akong panlasa pero dahil sa kailangan kong kumain para malabanan ang mga bakterya na bonggang-bonggang dumapo sakin ay go! go! parin. Nakaligtas din ako sa vaccination kahapon, ang duguan's day. 3rd dose na ng Hepa B vaccine pero dahil may sakit pa ako hindi muna ako tinurukan. Ang saya!saya! sa 22 na lang daw. Mas lalo kasi akong lalagnatin kung tuturukan pa ako, ito ang reaction ng katawan kapag nagpavaccine. Pero syempre mas gugustuhin ko parin na gumaling mula sa lagnat at tonsilitis. MUsta naman ang mga klameyts ko? Ang lakas mang-asar!!Ginagaya ang palyang boses ko!! Pag ako gumaling ... ako naman mang-aasar!!hehe Sana gum,aling sa mas madaling panahon. Nahihirapan na rin kasi ko. Naglilip sing na lang tuloy ako sa choir o kaya naman kinukuha ko na lang ang alto part. Kahiya. HIndi ako tumutunog.

0 comments: