Monday, April 13, 2009

Pasukan Na Naman


"Pasukan na naman
bakasyo'y tapos na
balik paaralan
guro at eskwela..."


blah.. blah.. blah..

Bitin ang bakasyon!!


Matapos ang dalawang linggo na bakasyong ibinigay sa buhay estudyante blues ko ay muling nagbabalik eskwela ang loka. Nakakatamad kayang pumasok bukod kasi sa nakakabiting pahinga ay wala pa kong pambayad sa mahal na edukasyon dito sa Pinas! Tatlo ang subjects ko ngayong summer class: NCM 101, Nutrition at Rizal. Siyam na units pero tumataginting na kulang-kulang 15 taw. Whatta price!!! Ayoko na sanang mag-enrol pa dahil alam ko na wala kong pang-tuition.Tangggap ko na ang tadhanang hindi ako makakapasok ngayon at itutuloy ko na lang sa June. Hindi naman kasi ako nabibilang sa mayamang pamilya. Sakto lang ang kinikita ng tatay ko sa trabaho na pantustos sa araw-araw na gastusin sa mundong puno ng kapighatian. Minsan naman nagigipit pa. Pambihira!! Sumabay pa sa bayarin ang matrikula ko na kung papansinin ay mas mahal pa sa buwan-buwan na kinikita ng isang Registered Nars sa bansang ito. Eh magkano nga ba ang sweldo nila? Ang sabi sa balita umaabot lang ng 8 taw ang buwan-buwan na kita nila (minimum price). MUsta naman Yun? Eh mas mahal pa pala ung monthly tuition ko na kulang-kulang 10 taw kaysa sa magiging sweldo ko pagnagtrabaho ko. Idagdag mo pa ang isang katototohanang dapat harapin na hindi ako nag-iisa na narsing student. Sandamakmak na mga estudyanteng mga nakaputi. Sabi nga ni Sir. Regis na mula dito sa nova. hanggang manila marami kang makikitang narsing student at matindi ang competition pagdating sa paghahanap ng trabaho kaya kailangang galingan. Eh kokonti lang daw ang ospital dito tapos yung sweldo kakarampot. Oh anu na? Ayawan na?!!Gusto ko nga mag-iba na lang ng course. Pwede na ba yung ambalsamador? Ai, wag na lang baka hindi ko kayanin. Kaya heto at ipagpapatuloy ang napasukang mundo ng mga white ladies ( may Boys na rin pala).

Simula ng pasok namin ngayon. Wala lang. Ganun pa rin. Chikahan mode ala naman kasing klase syempre unang araw ih. Kahit hindi pa ako enroll ay pumunta pa rin ko para silipin ang nakakahilong skedule ko. Nakakahilo kasi pabago-bago. Tapos yun umuwi na ako balik ulit bukas. Sana naman umulan ng grasya para makapagbayad na ako. Musta kaya yung bumbay sa kantO? hahaha. MUsta din kaya ang tatay ko? Sana naman bigyan na ko ng pera nang makabayad na. May pera po 'yun. Ayaw akong bigyan!! Kainis! At MUsta naman ang spelling - NARSING student!! Pinoy na pinoy.


0 comments: