Monday, April 27, 2009

Ang Pagbabalik

Matapos ang ilang linggong pamamahinga sa buhay bloggista ay muli akong nagbabalik. Muling mag-iingay at magkakalat. Sa mga hindi nakakaalam sa aking kondisyon ngayon ay malugod ko pong ibinabalita na matapos ang ilang araw na masama ang aking pakiramdam dahil sa tonsilitis ay magaling na po ako. Salamat sa lahat ng mga pag-aalaga, pagkalinga, pang-aasar, sa personal na nagkomento sa kalagayan ko, at sa paki-pakinabang na payo na lalong ikamamatay ko. Salamat.

PAG-AALAGA AT PAGKALINGA:

Ilang beses din akong nagising dahil sa paulit-ulit na paghawak ng nanay ko sa aking kamay habang ako ay natutulog. Inaalam niya kung mainit pa rin ako at minsan paalis na ko ng bahay papunta sa skul ay hinawakan niya ulit ako sabay sabing "OH, jeraldine mainit ka ah". Sabi ko naman na ok lang at kaya ko pa naman. Ilang banig din ng mga gamot ang binili nila para inumin ko. Pambihira!! ANG PAEEEETTTTTTTTT!!!

PANG-AASAR:

Wala sa tamang timpla ang boses ko... Syempre , ikaw kaya sumakit ang lalamunan kung hindi ka mapaos o mawalan ng boses!! Parang sira naman itong mga klasmeyts ko na ginagaya pa ang boses ko sabay tatawa. Ate mhona!!! Isa ka kaya sa kanila. Ikaw pa nga promotor ih!! hehehe

PERSONAL NA NAGKOMENTO SA KONDISYON KO:

JERICA: Di ba symptoms ng HIV 'yan? .

Dahil wala ako sa wisyo para makipagdiskusyon noong panahon na sinabi mo sa akin iyan ay hindi na ako nakasagot mas pinili kong manahimik pero hindi ko nakalimutan iyan kaya ako naman ang babanat ngayon. Para sa nagmamaganda (pero maganda talaga iyan) na jerica:

Isa sa mga signs and symptoms ng HIV ang sore throat hindi ako kumokontra diyan click mo 'to So ang sagot sa tanung mo ay OO. Pero hindi ibig sabihin na kapag may sore throat lang ih, HiV na agad. hahaha (Defensive?hehe totoo naman ah at syempre ibang usapan na iyan ih.) Pwede kasing dahil sa excessive intake ng sweet foods sabayan pa ng bonggang-bonggang malamig na tubig pagkatapos ng nakakapagod na concert (hehe) ang dahilan ng sore throat ko ( na 'yun naman ang totoong nangyari). Kung may hidden meaning ang tanung na ito ay...... hindi naman ako bulkan na active sa pagsabog ng mga nakakapasong lava at alam kong alam mo iyan dahil kaibigan kita. Lakas mo mantrip noh!!hehehe

KAPAKI-PAKINABANG NA PAYO:

Isa sa mga naging kaibigan ko dito sa blogsphere ay si lez na kung tawagin ko ay leztot hehehe. Katext ko iyan noong panahong may sakit pa ako. Pinayuhan niya ko na uminom ng gamot. Sabi ko naman ayoko kasi mapait. Ilagay ko na lang daw sa ice cream tapos ay inumin. O kaya isang bote lang daw ito na alak. Oh di ba?! PAnalo!

Gusto ko rin magpasalamat kay Mr. Rod , ang monitor ng choir namin. Salamat dahil hindi ako nabigo na noong nagpaalam ako na hindi ko masama ang pakiramdam ko at hindi ko na kayang umawit. Touched naman ako!!

Salamat po.

0 comments: