Dalawang taon na rin ang itinagal ko sa labidabi kong skul ngayon. Sari-saring mga moments ang naipon ko simula ng mag-aral ako dito. Mapakulitan, tawanan, asaran, kalokohan, tampuhan ay punong-puno ng kasiyahan lalo na kapag alang pasok at kalungkutan kapag may surprise quiz o kaya naman ay nasermonan ni ma'am at nasigawan ni sir dahil sa kaingayan. Sa tagumpay man o kabiguan hindi mawawala ang simpleng kasiyahan kapag nagsama- sama na ang mga may topak.
Naisip ko lang .... Paano na ngayong pinalilipat ako ng mahal kong mama sa ibang skul? Noon pa niya ito sa akin binanggit pero hindi ko naman pinansin dahil magulo siya kausap hehe kasi pabago-bago ng desisyon. Pero seryoso pala ang nanay ko at paulit-ulit na sinasabi na mag-inquire daw ako dun sa unibersidad na napili niya. Para tuloy akong sira noong huling linggo ng pasok namin. Lahat ng mga klasmeyts ko ay isa-isa kong pinagmasdan. Hindi ko ipinaalam sa kanilang lahat tungkol dito pero nabanggit ko naman sa isang kaibigan. Mawala nga lang ako ng isang araw hinahanap na ako pano pa kaya ngayong lilipat na ko? Nasabi ko tuloy sa sarili ko .. "Mamimiss ko sila." Lahat mamimiss ko.. Ang Family Ng, klasmeyts special mention kay Patrick na habang nag-eexam kami ay isinigaw ang mga sagot ko hahaha, mga propesor na nagtiwala sa kakayahan ko , si ma'am librarian na super duper bait sa akin , ang mga ate at kuya ko sa higher year, ang swing na tambayan namin kapag alang klase ultimo si kua guard na sa araw-araw na ipinasok ko ay pinasakit ko ang ulo niya dahil sa katamaran ko magsuot ng ID.Lahat sila mamimizzzzzzz ko. huhuhu
Lumipat man ako o hindi , basta masaya ko sa naging buhay estudyante blues na kolehiyala.

0 comments:
Post a Comment