
Ilang beses na rin akong nakaranas na gumawa kung kailan malapit na ang pasahan.Hindi bagong bagay sa mga lagi kong kasama sa bahay man o sa skul. Nasanay na akong ganito pero hindi ko naman pinagmamalaki na hindi nangyari sa akin na hindi makapagpasa ng mga assignments, requirements, projects at kung anu-ano pa kahit ang ugali ko ay last minute kung gumawa. Itinuturing ko na isang kahinaan ang gawing ito kahit pa nakakahabol pa ako. Ayoko namang mangyari na dumating ang araw na huli na ang lahat para sa akin. Hindi ko na hihintaying BUMINGO para magising sa katototohanang mali ako na sinasanay ko ang sarili ko na kapag alam kong kaya ko ay laging mamaya na lang, bukas na madali lang naman iyan ih!! Ganito ako. Sorry naman!! Alam kong hindi lang ako ang nabubulabog kapag nahuhuli ako. Ang mama ko nadadamay , pati siya natataranta. Ang mga classmates ko na kinabahan noong minsang report namin ay wala pa ako "tae, san ka na dito na si ma'am?", o kaya ay "san ka na?" Natatambakan ako ng text sa mga iyan. May galit man o may pag-alala hindi naman ako tinatakwil. hehehe Marunong naman akong magbagong buhay dahil mahirap magsisi sa huli.
Eh anu kung makahabol ako?
"HULI PA RIN."
0 comments:
Post a Comment