Monday, March 9, 2009

The Hardest Word to Say

Debut ni REA last week "Happy B-day Girl", kasamahan ko siya sa choir. Noong isang taon ilang beses na rin niyang nabanggit sakin ang tungkol dito.Malayo pa man ang araw ng kaarawan niya pero maaga pa lang ay inimbitahan na ako. "Punta ka hah," ang sabi niya sabay ngiti. Syempre kung ako ang tatanungin ay gusto ko talagang pumunta nakakahiya kasi kung hindi makapunta basta maluwag ang skedule busy-busyhan effect. Hanggang sa lumipas ang pagpasok ng taong 2009, araw ng mga kapusuan, labor day at ilang araw bago ang party ay binigyan niya ko ng imbitasyon. Palihim na inaabot sabay sabing "mamaya mo na buksan" oras kasi ng practice namin.Natuwa naman ako, kasama pala ako akala ko naman tagahugas lang ako ng pinggan.Hindi pala.

Hanggang sa dumating ang araw ng bonggang-bonggang party niya. Magkasama pa kami noong umaga dahil sa choir. At pagkatapos ng choir sinabi niya ulit na pumunta ako. Sa totoo lang, hindi kasi ako makakapunta dahil may duty ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ayoko naman kasing maging malungkot siya pero mas mabuti na ipaalam ko na kaysa asahan niya na darating ako tapos hindi naman pala.

REA: Punta ka maya hah. Nakangiting sinabi niya sa akin ito.
<
Tumabi ako sa kanya magkaiba kasi kami ng upuan. Hinawakan ko kamay niya para iparamdam na hindi ko siya binabalewala.

AKO:"Rea,hindi ko makakapunta may duty kasi ako."

Napayuko siya . Nawala ang ngiti na binungad niya sa akin. Naramdaman ko kung anung naramdaman niya. Kung gaano kalungkot ang malamang hindi masasaksihan ng isang matalik na kaibigan ang isa sa mga mahahalagang okasyon sa buhay niya.

REA:" Sige ok lang."

AKO: Enjoy the party.

Nabanggit ko kay Eppie ang tungkol dito. Kasamahan ko rin sa choir at matalik na kaibigan. Invited din siya sa party at katulad ko hindi rin siya nakapunta. Pinag-usapan namin ang hindi namin pagpunta at nabanggit niya na :

EPPIE: "MINSAN KAILANGAN MO RING HUMINDI."

Kung magagawa ko lang sanang pagbigyan lahat ng gusto nila na sa tuwing aayain ako ay isang mabilisang OO ang sagot ay gagawin ko. Huwag ko lang makita ang malungkot at iba't-ibang negatibong reaksyon sa mukha nila. Hindi kasi nila alam na mas matinding kalungkutan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko reaksyon nila.Sounds like kakesohan but real!! Pero hindi kasi ganun kasimple 'yun. Sabi nga ng coach ko sa lawn tennis noong hayskul ako nang minsang gusto ko matutong maglaro ng volleyball samantalang may sessions ako ng tennis:

COACH: HIndi mo pwedeng pagsabayin ang dalawang bagay. Minsan may kailangan kang bitawan para magawa mo ng maayos ang isang bagay.

0 comments: