"Matatapos din ito at tatapusin ko ito na may magandang resulta".
Iyan ang salitang pinanghawakan ko sa panahong sawang-sawa na ako sa kakasaulo ng schizomycetes, fungi, viruses at parasites sa bonggang - bonggang Mkrobyology. Sa tulong at awa ng Diyos.... PASADO AKO!!! Kanina inilabas ang listahan ng mga magreremoval at napakaswerte naman hindi na kasama ang nagpipitagan at iniingatan kong pangalan. Kung nagkataon - dyahe naman!! hahaha Dahil diyan.. Magpapainum ako!!! Kape nga lang!! hehe
Hay naku!! Alam niyo ba na dahil sa subject na iyan ay ilang gabi din akong hindi nakatulog kahit bakasyon na dahil hanggat hindi ko nalalaman kung kasama ako o hindi sa magreremoval ay hindi ako mapakale. Buti na lang .. buti na lang ... malakas ako sa taas!! hehe
Hindi lang iyan ang subject ko natural!! marami pang pahirap sa buhay estudyante blues ko lalo na noong final exam. Wow!! Patayan ang labanan!! haha pero masaya naman. Sulit ang lahat ng hirap sa paggising ng maaga, pagpupuyat para sa pagrereview na inaabot ng umaga di ba lez? at kung anu - ano pang pahirap. Sa wakas!! Natapos din. Bakasyon na mga tropapits!!
2 comments:
Wow!gudlak sa iyo kaibigan,galing galing mo nman.. Cguro tlagang pinaghandaan mo ang mga kodigo mo..
Idol!heheh..bleh!
Yngats ah! Bakasyon mo na..buti ka pa..
hahahaha ... kodigo ka dyan!! suntukan na lang oh!!! hahaha
malapit ka na rin namang magbakasyon ahh.. ingats din!!
Post a Comment