Wednesday, March 4, 2009

Community Time



Ngayon ang unang araw ng community service namin. Duty kung duty!!!Kung tutuusin tapos na nga ihh.. Kanina pa kasing 8:OO ng umaga nagsimula at natapos ng 11:00 ng tanghali. Nagkaron ng suvey.Ramdam ko pa ang pagod ng paglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw. Kulang na lang magsalita ang katawan ko at sumigaw ng " baka pwede pahingahin mo naman ako?!Napapagod din ako noh!!". Nakakapagod pero masaya. Marami akong natutunan. Unti-unting nabuksan ang isip ko sa realidad ng buhay.

May mga pinoy na nagdaranas ng hirap ng buhay. Kakulangan sa wastong nutrisyon dahil sa mahal ng mga bilihin ultimo tubig nagkakaubusan pa. May mga taong sinisisi ang gobyerno sa kahirapan na dinaranas nila. Pero tama ba ito? Sa isang banda may punto na ang gobyerno ay dapat gampanam ang tungkuling dapat nilang gampanan para sa mga pilipino pero hindi naman dapat na iasa na lang sa kanila ang ikauunlad ng buhay at pamumuhay natin. Kung alam mo ng ala kang aasahan sa kanila bakit ka pa aasa? Kailangan na kumilos at magbanat ng buto.May mga bata namang nagkakasakit dahil narin sa maduming kapaligiran. Kung ang kalinisan ay pinanatili hindi naman mangyayari ito.May mga nainterview din ako na may kakayahang tustusan ang araw-araw nilang pangangailangan at nagpapasalamat naman ako na pinagkatiwalaan nila akong sabihan tungkol sa kanilang buhay at halaga ng kinikita buwan-buwan na hindi ko na babanggitin dahil masyadong confidential.

Bukod sa mga pamumuhay ng mga kababayan natin natutuo rin akong makisalamuha sa mga pinoy na may iba't-ibang estado ng buhay . Ang makiharap sa mga tao mayaman man o mahirap ay isang bagay na mahalaga sa akin. Masaya na kahit sino pa man sila ay marunong kang makiharap. Masaya rin dahil naging maayos ang sinagawa naming panayaw.

Sikretong malupit: yung picture na nasa taas ay requested stolen shout ni ma'am. :)

0 comments: