Unang practical exam namin sa laboratory ng Micro. ay ang focusing ng specimen sa microscope. Syempre kapag ganito hindi maiwasan ang mga negatibong pakiramdam tulad ng kakabahan ka, nanlalamig at kung anu-ano pa. Ibang-iba kapag kalmado ka lang. Ito rin ang panahon kung saan ang buong klase ay seryoso sa buhay. Tahimik na nag-aaral at naghihintay tawagin. By group kasi ang practical namin. Group 7 ako kaya matagal-tagal ang paghihintay at habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan kaya minsan ayoko ng panghuli. Nerbiyosa talaga ako. Iyan naman ang ayaw ng prof. namin - ang kabahan! Pinipilit ko namang huwag kabahan pero ganun talaga ih.
Pagkalipas ng ilang minuto.. habang tahimik ang buhay ko na nakaupo sa isang tabi ay may biglang sumigaw... GROUP 7 NA!! GROUP 7 NA!! Si Patrick pala. Lalo kong kinabahan. Tumayo na ako at full effort na pinagtatawag ang mga kagrupo ko dahil sasalang na kami. 'Yun pala...
Patrick: Group 7 ka?
Sigaw niya. Medyo malayo kasi siya kaya siguro sumigaw.
AKO: Oo. Bakit?
Patrick: HINDI PA KAYO!!! Sabay tawa at takbo palabas ng room.
Napahiya ako!! Sa sobrang inis ko napasigaw tuloy ako...
AKO: Patrick, MAMATAY KA RIIIIINNN!!!
Ikinagulat ng marami. May mga napatingin sa akin , may natawa sa sinabi ko at may ilan namang hindi napansin ang pangyayari. Buti naman!! Nagulat at natawa din ako. Pambihira!! Dyahe!!
Simula noon,kakambal ko na ang salitang "mamamatay ka rin" lalo kapag sa biruan. Identity ika nga. Minsan ibinabalik nila sa akin ang salitang ito tapos magtatawanan kami. Pero sa totoo lang, ito ay isang kalokohan lang....kalokohan...kalokohan.. kalokohan.. na nagpatibay ng aming pagkakaibigan.
2 comments:
hello mizyumi. am back!
hi josh!!! tagal mo ding nawala, nakakamiss ahh.
Post a Comment