Friday, February 20, 2009

Plano sa Buhay

Wala akong pasok kaya mahaba ang tulog na nagawa ko. Planado ang mga bagay na dapat kong gawin sa araw na ito. Masinsinang pag-paplano ang ginawa ko bawat hakbang pinag-iisipang mabuti. Una, kailangan kong pumunta sa skul para manghiram ng libro ni Lumbera sa library. Pangalawa, Mag-GAGALA ako!! Oh, di ba?!! At un lang tapos na. Masyado kong nahirapan sa paggawa ng plano kaya wag niyo nang pagtawanan.

Alas 4:OO na ng hapon nang makarating ko sa skul. Pagpasok ko sa library isang pagbati ang binungad ko kay ma'am librarian.

AKO: Hi Ma'am!! Good afternoon po.

Isang matinding tanung naman ang bumalik sa akin.

Ma'am:"Bakit ngayon ka lang?"

AKO: Tahimik lang.

Nagulat ako sa tanung ni Ma'am. Napaisip tuloy ako kung bakit ganun reaksyon niya para tuloy akong may sala.

Ma'am: Bakit hindi ka na pumupunta dito? Nag-aaral ka pa ba?

AKO: PO?

Nagulantang lalo ang mundo ko. Mukha na ba akong palaboy?

Ma'am: Akala ko nagdrop-out ka na. Hindi na kasi kita nakikita.

AKO: Ma'am hindi po.

Ma'am: Eh bakit nga hindi ka na pumupunta dito?

AKO: Sa classmates ko na po kasi ako nanghihiram ng libro. Palu-palusot!!

Ma'am: Ahhh..

Matapos ang usapan na ito ay dumeretso na ako para maghanap ng libro. Habang nag-aaral ay pumasok sa isipan ko ang tanung na... Gaano na ba ko katagal hindi nag-aaral este hindi nagreresearch dito? Halos lagi-lagi nga pala akong dumadaan sa library noon para humiram ng libro o kaya ay magbasa kaya siguro ganun na lang ang pagtataka ni Ma'am sa pagkawala ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala binibisita ang library. Matapos ang isang oras na pagkukunwaring nag-aaral hehehe ay bumalik ulit ako kay Ma'am para sabihin ang mga librong hihiramin ko. Dalawa lang ang dala kong libro yung isa pala ay hindi pwedeng iuwi. Pero dahil mabait si Ma'am ay pinahiram na sa akin tutal naman daw ay maganda ako ay hindi pala tutal naman daw ay weekends at walang gagamit basta ibalik ko lang daw sa martes ng 8:00 ng umaga. Bait talaga ni Ma'am huh!!

Pagkagaling ko sa library ay dumeretso na ko sa galaan na walang kasama. Hindi ko na inistorbong kalampagin ang telepono ng mga dabarkads ko. Gusto ko munang mapag-isa. Nagpakalayo-layo. Pumunta ko sa lugar na inaakala kong wala sa aking nakakakila. Lugar na malayo sa problema. Pambihira!! Mali ako ng akala!! Ang dami kong nakasalubong na kakilala ko. Nakasalubong ko ang dentist ko, classmate, at kung sinu-sino pa. Sa susunod sisiguraduhin ko malayo na talaga ang pupuntahan ko. Yung tipong dagat ang pagitan sa Maynila.hahaha

4 comments:

Miguel_Cute said...

Hala Jerang... di ba mali ang napasukan mo na library at tinanong ka ng ganun ni Maam librarian??

"Mahirap gumala kung artista ka"

yan ang tandaan mo... hehehe

comment mode lang ako ngayon....

mizyumi said...

Di naman ako nagkamali ng pinasukan na library, matagal lang talaga ako di pumupunta doon.

Hindi ko artista..hahahahaha mukha lang!! joke hehe

ok lang, welcome ang mga komento mo.

tin tin said...

wuhahahaha........



neXt tiMe xEh...



xA ibAnG bAnsA khA nHa

mAg lWaliW,.



nAghHnaP k pHa nG mLyonG lUgAr nHa aKla mOng wUlaNG mKkakilLa xEo,,.,



dTo diN aMan xA 'piNas,.,



nAkUw!!!!!.,



jejejejjejeje

mizyumi said...

tintin: nagbaka sakali lang kasi ako. hehe sige next time sa ibang bansa basta ikaw ang may sagot ng gastos. :)