Isang buwan narin ang lumipas nang magsimula akong gumawa ng bahay sa mundong ito. Ang bilis talaga ng panahon!Parang dati hindi ko pa alam kung paano gumawa ng kubo at pagala-gala lang na parang pulubi, ngayon, heto na at may binabalik-balikan nang blogspot.Salamat sa matiyagang pagtuturo ng mabait kong Kua RonTuron.Naalala ko rin noong una akong gumawa ng post, hindi ko alam kung paano sisimulan at kung ano ang ilalagay ko hanggang sa tumagal ay lumabas ang pagiging makwento toh.Isang bagay na hindi ko inasahan. Marunong pa lang kong magpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pagsulat?Haha
Sanay si mizyumi na mundo ng musika ang takbuhan masaya man o malungkot, may topak man o wala.Tamang pindot ng tiklado ng keyboard ay ayos na! O kaya naman ay sa pamamagitan ng pagsasalita na minsan ay nauuwi sa debate. Pambihira!! Isa pang karagdagang impormasyon .. napipilitan lang talaga siyang sumagot sa mga essay na ibinibigay ng mga propesor niya.Mas gugustuhin pa niyang magsulat sa white board hawak ang marker(kahit mabaho ang amoy) at libro (pagkakakapal-kapal) kaysa gumawa ng formal theme at laging isaisip si pareng margin kaya dati ay tinitiklop pa niya ang kanyang papel para lang umayos pero palpak parin. Kung hindi lang sa mga grades niya ay hindi siya gagawa.
BUT THAT WAS BEFORE...
Simula kasi nang magblog ako ay unti-unti ko ng nakilala ang aking munting kakayahan sa larangan ng pagsulat. Naging mahilig narin akong gumawa ng mga kwento kahit pakiramdam ko minsan ay wala namang kwenta pero tuloy parin sa pagsulat. Nagagawa kong magbiro at gumawa ng kalokohan. Nararating din ng munti kong kaisipan ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Magpahayag ng damdamin na hindi ko inugaling gawin lalo kapag ang pag-uusapan ay ang kahinaan ko at magsabi ng tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko. Salamat sa BlogSpot.
Siyempre hindi ako tatagal dito kung hindi dahil sa mga taong naliligaw sa bahay ko at sa mga maliligaw pa.Hindi ko na kayo babanggitin dahil halata naman kung sinu-sino kayo na nagkokomento sa akin. Nabanggit ko na sa una kong post ito pero uulitin ko lang. Kayo ang dahilan kung bakit (buhay pa ako hanggang ngayon hahaha ) nagagawa kong magsulat. Salamat.
Sa kaibigan kong si Miguel na ginawa akong star sa blog niya. NAgulat ako ng makita ko ang post mo tungkol sa akin. Hindi ko talaga inasahan iyon. Salamat MIgz.
At sa lahat ng mga dumadalaw na hindi nag-iiwan ng bakas. Kung sino man po kayo, bakit ayaw niyo magparamdam?hahaha Parang nagdududa tuloy ako sa husay ni Web Counters na magbilang. Humigit-kumulang sa isang daan ang bilang niya samantalang ala pa sa sampu ang alam ko.hahaha O hindi lang talaga ako marunong magbilang.haha
Wednesday, February 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



2 comments:
Parang napakadali nga lang ang magsulat...ngunit kong hindi ka talaga bihasa at hindi talaga manunulat katulad ko, sadyang napakahirap din.. minsan ang dami mong iniisip o naiisip isulat pero pag-naka-open na ang notepad hindi naman makabuo ng maayos na panulat na kaaya-aya sa maaaring magbasa...
...kaya madalas mas ginagawa kopa magbasa na lang at maggala-gala sa ibat-ibang 'blogs' at kong saan-saan sa'net" ...pero umaasa parin na gaya mo "mizyumi" ay matutoto rin sa larangan ng pagsulat...ng sa ganun ay may 'mapasalamatan' din naman, hehehe!
Ipagpatuloy mo 'mizyumi' ang iyong nakahiligan na larangan...
Awtomatik:
Sa umpisa parang mahirap pero pagnasimulan mo na at nasanay ka na ay magtutuloy-tuloy na iyan.
Salamat sa pag-iwan ng bakas.
Post a Comment