
Bata pa lang ako ng marinig ko ang salitang "Mini Mini Minimo". Salitang ginagamit ng mga bata sa laro na sinasaliwan ng tugtog sa pamamagitan ng pagkanta ng pagkalakas-lakas na minsan ay sablay ang tono. Pwede rin naman itong gamitin sa panghuhula ng sagot sa pagsusulit at kung anu ang huling patakan ng nota, Bingo!! May instant sagot na. Sa madaling salita, ito ay ang taktika sa pamimili sa mga bagay na hindi mo maisip kung anung dapat gawin. Makaisip man, may pag-aalinlingan parin.
Paano kung papiliin ka sa dalawang bagay na mahalaga sa iyo? Gagamitin mo ba ang taktikang ito? WAG.
Sa dami ng mga bagay na dapat pag-isipan, ewan ko ba kung bakit ang pag-aaral o pagiging choir member sa isang church pa ang pamimilian. Pwede namang isa o dalawa, sasakay o maglalakad, kakain o matutulog, maliligo o hindi at iba pa. Mga simpleng bagay na hindi ka na pagpapawisan sa pag-iisip. Pero kung pag-aaral o choir naman ay parang gusto ko nang sumabog. BOOOOOM!!
Pareho kasing mahalaga ang pag-aaral at ang gampanin ko sa church na ito. Edukasyon na hakbang sa aking mga pangarap at Siya na dahilan kung bakit may lakas akong abutin mga pangarap na ito.Pero paano na ngayong kailangan kong pumili sa dalawang ito? Ayoko sa lahat ang pinapapili sa mga bagay, tao, o anuman na mahalaga sa akin pero hindi maiwasan na mangyari. Una, magulang o boyfriend. Natural magulang. Manila o Laguna, No choice Manila. Sariling kaligayahan o kapakanan ng iba.HMMMMM..Kailan ko ba inuna ang sarili ko? Ilan lang iyan sa mga pangyayari na pinadugo ang utak ko sa pag-iisip ng mga dapat gawin. At heto na naman....Pagkatapos ng patayang exam hindi pa pala makakapagpahinga ang gasgas nang utak ko.
May activity ang skul namin bukas kung saan mapapadpad kami sa iba't-ibang establisimento ng mga nilalang na may iba't-ibang personalidad at estado sa buhay. Sablay ang skedule!! May maaapektuhan, ang responsibilidad ko bilang choir member.Isang masinsinang pag-iisip na naman ang nangyari.Sinubukan kong kong gawan ng paraan na magampanan ang dalawang ito pero humantong ang lahat sa pamimili ng isang bagay. At matapos ang matagal na pag-iisip, nakapili din ako.Pinili kong gampanan ang bagay na kapag binitawan ay sandamakmak na kaekekan ang ipapagawa sa akin at panandaliang iwan ang gampaning inaasahan kong mauunawaan ako ng lubos.
2 comments:
Salamat sa pagbisita sa tahanan ko mizyumi..
Life is all about choices(cliche na ito skin!) basta kung saan ka masaya go for it! It's up to you to make that choice be the best for you.
Lez: Wala un. Anu ka ba?! hehehe
Hewan ko, pero hindi kasi sa lahat ng panahon pwedeng masunod kung anung gusto natin. Minsan kailangan din nating pagbigyan ang gusto nila lalo na kung sila ang bossing. Pero xempre hindi sa lahat ng panahon sila masususunod at iisipin natin . Anu sila sinuswerte?! Sila lang ba may karapatang maging masaya?!hahaha
Maliban na lang kung sa policies sa church, ibang usapan na un.Kailangan talagang magtanggi ng sarili.hehe
Post a Comment