Sunday, February 1, 2009

Wala lang

Kahapon pala ang last day ng January hindi ko man lang napansin. Totoo hindi ko talaga alam. Kahit tingnan mo pa ang test paper ko sa micro. ay walang date. Jan. lang ang nakalagay sa papel ko. Hindi ko na kasi sinubukan pang alalahanin o itanung pa sa ka-one sit apart ko kung anung date kahapon. Kung gusto mo malaman kung nagsasabi ko ng totoo ay tingnan mo na lang ang papel ko. Pakikuha na lang sa propesor ko. Petsa lang ang tingnan mo dahil panigurado bagsak ang score nun.hahaaha Wag naman!

So, unang araw pala ng buwan ng mga puso. Wala akong masyadong masabi dahil parang ordinaryong araw lang para sa akin ang buwan na ito. Hindi kasi talaga ko nagdiriwang ng kapusuan. Choice ko lang. Bakit ba? hehehe Hindi rin ko naghahangad na may magbibigay ng rosas, sokolate, o kaya naman ay umasa na may mag-aya makipag-date pero kung meron man ay salamat parin. Pwede naman magbigay ng kung anu pero hindi po ako makikipagdate. SENXA na po. Mas gusto ko matulog na lang maghapon.

May nagtanung sa akin kung anu daw nangyari sa akin noong isang taon nung araw ng mga puso. Napaisip tuloy ako. Anu nga ba nangyari? hahaha Sa totoo lang, hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. Bukod kasi sa maraming bumati sa akin ng " Happy Valentines Day!" mapatxt o personal man na sinuklian ko ng isang ngiti ay may naganap na pa... Hindi ko inasahan na may magpaparamdam pala sa akin. Parang multo lang. Alam mo yung tipo na parang ala lang tapos meron pala. Magulo noh?! Pero dahil hindi pwedeng mamangka sa dalawang ilog ay mas pinili kong magpakabait. haha Bukod pa doon ay may nagbigay din ng sokolate. Alam kong nahihiya siyang lumapit o kausapin ako kaya naiintindihan ko kung bakit sa twing bibigyan niya ko ng kung anu man ay ipinaaabot na lang niya sa mga kaibigan niya na kabiruan ko o kaya naman sa mga kaibigan ko. Kung anu pa yung ibang nangyari hindi ko na alam. haha


Anu naman kaya ang magaganap ngayong taon? WALA. WALA. WALA.WALA.WALA. HAHAAHAH Wala akong alam! Wala akong kakayahan na alamin ang magaganap bukas pero pwede ko namang kontrolin ang mga mangyayari sa buhay ko.Kailangan lang magpakatalino, mahirap na!

4 comments:

Anonymous said...

hmm.. e3ng taong e2 ang nag paparamdam sakin ng pag papahalaga lam nyo ba yong tym na parang baliwala ka lang ng taong mahal mo tapos may darating na tao na khit ngayon mo lang nakilala mas masaya pa feelings u sa kanya ung ang naramdaman ko sa taong 2e un nga lang ako ang multo sa buhay nya na nagmamahal sa kanya kahit d kami nag kikita but darating dn un tym na un na kakikita ko sya at mayayakap at masasabing salamat sa lahat na pag mamahal na ipinakita nya sakin sa kunting panahon.. khit po ganto e2 napasaya ako kaya sa tuwing mag tetxt sa sya sakin namimis ko ung taong e2 na minahal ko kahit complekado ako kc malau ako sa kanya.. ingat nlang po lague ha.. mwua..,miz na kita mahal; ko..

mizyumi said...

huh!!! may ganung comment?

Salamat mr. Anonymous sa pagdalaw sa aking bahay at pag-iwan ng bakas.

Ung multo na binanggit ko ay expression lang sineryoso mo naman..hahaha

Lez™ said...

haha..cencia bigla na lang ako napadpad d2 newbie kasi ako sa blog world eh..heheh..

malapit na nga pala ang araw ng mga puso,mga limang taon narin akong may ka date sa araw ng mga puso,pero ngaung taon na ito masaklap para sa akin, mukhang gagayahin na lang kita,matutulog na lang ako ng buong araw,exciting ata un eh..hehe

mizyumi said...

Lez: Welcome sa mundo ng blogsphere. Buti at napadpad ka sa bahay ko. Salamat.

Masaklap ba ngaung taon? Sige tulog na lang tayo.Exciting talaga ang matulog..lolz