Araw ng mga puso, nakakasilaw ang kulay na pula na sumisimbolo daw sa tinatawag na pag-ibig. Kung ako ang tatanungin hindi pag-ibig ang simbolo ng pula sa araw na ito kundi DUGO as in blood. Bakit? sige basahin mo ang mga susunod na pangungusap nang malaman mo.
Tirik na ang araw ng pumunta ako sa skul namin.Ang init, ikaw ba naman maglakad palabas ng kanto ng Forest Hills ng alas 10:30 ng tanghali na walang dalang ella ella eh eh kundi ka maiinitan? Pagdating ko naman sa labas ng skul ay bumungad ang isang booth ng isang kilalalang pangalan ng simcard.. malayo man malapit din. "Anong ginagawa nito dito?",naitanong ko sa aking sarili. Natural, nag-eendorse ng kanilang produkto. Magload ka lang ng 15 ay may libreng sim ka na. May mga kumagat sa pakolo nila pero ako hindi. Aanhin ko naman ang panibagong simcard?.hays.
Dumeretso ako sa paglalakad papasok sa skul nang makarinig ako ng isang malakas na boses na nagsasabi na "Si Jeraldine nandyan na!" habang tumatawa. Si rhona pala na kasama ang mga kaklase ko na nasa lobby.Pinuntahan ko ang kinarororonan nila. Pambihira!! Katapusan ko na!! Pinasulat ang pangalan ko sa isang papel at pinaupo sa isang upuan.Hindi man lang ako nakapalag. Tinaliaan ang kaliwang braso ko. Unti-unti kong naramdaman ang lamig ng alkohol na dumadampi sabay turok ng isang karayom na sa sakit ay nakagat ko tuloy labi ko. Pagkatapos ay sinabihan ako ng inhale sabay dahan-dahan na tinanggal ang karayom.ANG SAKIT!! Tanggal na kasi ang tali na nagpapamanhid sa braso ko ng tanggalin niya ang karayom. HUH!! Pinababalik pa kami ng ala una para bakunahan at para malaman kung anu resulta. GUsto ko malaman ang resulta pero ayoko na bumalik para turukan noh!! Medyo kinabahan ako sa pwedeng maging resulta ng blood test. Kapag kasi nagpositive tapos na ang maliligayang araw ko. Mawawala na ang pangarap kong magduty sa iba't-ibang ospital. huhuhu
Makalipas ang ilang oras..pinababa ulit kami sa lobby upang muli na namang turukan. Istorbo!! Naglalaro kasi kami ng word factory nang tawagin kami. Ayaw ko sanang bumaba dahil masasaktan na naman ang kawawa kong katawan pero wala naman akong magawa kundi tanggapin ang kapalaran naming turukan muli. At heto na nga.. TUrok na naman. ANG SAKIT!! Ginawa ba namang dart board ang braso ko. huhu. At may susunod pa daw na 2 turok sa mga susunod na buwan. Hindi pa pala tapos ang turukang iyon.Pambihira!! Hindi pala ako nag-iisa halos karamihan sa mga kaklase ko ay nanghihina at nagrereklamo sa sakit. Ikaw ba naman kuhaan ng dugo at turukan ng vaccine sa loob ng isang araw kung hindi ka manghina?!Pero mas mabuti na tinurukan kami ng vaccine kaysa hindi. Kapag kasi hindi ka tinurukan ibig sabihin positive ka sa HEPA B. Salamat na lamang at wala akong ganitong sakit.
Palabas na ako ng skul para umuwi nang bigla akong tinawag ni Nyt na kaibigan ko. Mas kinikilig pa kaysa sa akin. May ibinigay na sokolate na galing kay *toot* na nahihiya pang lumapit sa akin. Salamat. Bakit ka ba nahihihaya? O takot ka sakin? Hindi ko nangangagat. Swear!hehe Salamat din kay jerica at jessa na nagbigay din sa akin ng regalo. YUng regalo niyo sa Lunes na lang hah. hehehe
4 comments:
Happy Duguan Day!!
may gash... ngayon lang nakabati kasi ngayon lang nakapagonline eh... alam mo na busy sa buhay...
Yaan mo na yung pangyayari na yun para satin naman yun eh... atleast ngayon pwede na tayo ulit kumain na delicacy ng forest hill.. hehehe
pareho lang tau busy busihan ..hehe
oo, pwede na pero hindi pa tapos ang turukan dahil may 2 pang turok na natitira.Good luck naman!!
haha..mag share k naman ng tsokolate n binigay sayo ni ttoott..Penge!hahah..
4 sure ubos na un ngayon..
lez:hahaha.. nahuli ka na, ubos na!!!hehehe
Post a Comment