Friday, January 16, 2009

Wednesday da 14th

Bata pa lang ako ay mahilig na akong magbasa ng dyaryo para makibalita sa mga nangyayari sa paligid ko, magsagot ng crossword na nakakasakit ng ulo at higit sa lahat ay para malaman ang horoscope ko for the day. Nakakatuwa kasi minsan nagkakataon ang sinasabi ng horoscope sa nangyayari sa akin. Tulad ng sinabi ko "nagkakataon" lang at hindi naman talaga ako naniniwala dito. Naalala ko lang, nabasa ko noon na ang lucky day ko ay Wednesday pero kabaliktaran ang nangyari sa akin. Una, nahuli ako sa klase. Pangalawa, hindi ko na mabuksan ang blog ko na "the other side of me" at ang panghuli ay hinarang ako ng isang kapreng lalake na may topak.Pambihira! Puro kamalasan! Ito ang mga detalye:

LATE
Nahuli ako sa klase ng 10 minuto at hindi na ako pinapasok ng magaling kong propesor. Nakakainis dahil kapag sila ang nahuli “sorry” lang ay ayos na. Eh paano kaya kung gawing patas ang laban. Lahat ng ka-ek-ekang pinapagawa sa mga estudyante ay ipapagawa din sa kanila. Ito ang BATAS! Ang LUMABAG… LAGOT!!

1. Kapag time na at wala pa ang propesor ay ikakandado na ang pinto. Hindi na pwedeng pumasok!
2. Sa next meeting kapag walang dalang excuse letter ay hindi pwedeng magturo. Pwede namang mag-stay sa room pero we will consider him/her ABSENT!
3. Kapag may tatlong absent ay ipapaguidance kasama ang parent at doon pag-uusapan kung bakit lagi siyang absent sa pagtuturo.
4. Kapag absent o late: WALANG BAYAD!!
5. Kailangan bago pumasok sa room ay nasa ayos. Sa babae ay nakamake-up at hairnet samantalang sa Lalake naman ay maayos ang haircut kung ayaw magkaroon ng uka sa buhok.
6.Kapag nagtagalog(maliban sa FIL. Subj.) o nagmura ay may multa! 1000 per word!
7. NO ID NO ENTRY meaning …walang ID walang pasok!! Syempre masaya na ang madla.wooohh party people!

‘YAN PANTAY NA!HAHA

SABAY KAMBIYO!!

Isang kabaliwan ang lahat ng ito.hahaha Alam ko naman ih! Sa level ng guro at estudyante ang guro ang pinuno. Hawak nila ang final grade namin. Sa simpleng post na ito bumabawi lang ako sa lahat ng kinaiinisan kong ginawa/ginagawa nila sa mga estudyante. Minsan kasi ala na sa ayos, hindi na tama. Alam ko na kailangan silang respetuhin pero sana matutunan din nilang respetuhinkaming mga estudyante. Tao din kami no! 'Di lang halata.

Totoo na kung alang mga guro sino ba naman ang magtuturo sa aming mga estudyante? Pero naisip ko lang kung alang mga estudyante sino magbabayad sa kanila? Ano bang mali sa katotohanan? Kambiyo ulit!!

Tinuruan ako ng mama at papa ko na kahit anung mangyari huwag ko daw kakalabanin ang mga propesor ko. Yun naman ang ginagawa ko. Kahit anung galit o inis ko sa ginawa nila ay hindi ako pumapalag. Kahit nakakatikim kami ng mura hindi ako umiimik!! Alam ko na kasina kung kayang-kaya nilang personalin ang grades namin. Buti na lang may teacher's evaluation. haha

SERyoS0 Na Atoh!

Dinaan ko lang sa biro ang inis na nararamdaman ko kaya nagmukhang kalokohan ang sinulat ko pero seryoso ko na malaki ang panghihinayang ko kapag hindi ako nakakapasok. Ang pagkahuli ko sa klase ay kauna-unahang liban ko sa semester na ito. Kahit kasi anung kalagayan ng katawan ko may sakit man o broken hearted kagagaling lang sa pagkakaroon ng ashtma ay pumapasok ako. Dinamdam ko talaga ng malaman kong hindi na pwedeng pumasok. Si Patrick ang kasama kong nahuli. Siya ang nagtanung kay ma'am kung pwede pa bang pumasok. Isang pasigaw na "hindi" ang narinig ko.DI WAG Mali na nahuli ako, alam ko! Ang akin lang kasi kapag sila ang nahuli ay hindi naman namin sila pinagbabawalan na pumasok at lalong hindi namin sila sinisigawan. hayst... Life is so unfair!

Sa totoo lang mas nauna akong nakapagsulat ng mga papuri at pagtatanggol sa propesor ko lalo na ng minsan hindi naibigay sa tamang panahon ang sweldo niya pagkatapos magtrabaho kahit x-mas break pero dahil sa nangyaring ito.. nakahold ang post na 'yon. Minsan naisip ko na huwag ng ipublish dahil naiinis talaga ako pero hindi ako magiging patas kung sa isang anggulo lang ako titingin. Kaya napagdesisyonan ko na ilalathala ko rin iyon pero..hindi pa ngayon.

MY BLOG

Ang blog ko na The other side of me ay hidi ko na mabuksan sa hindi malamang dahilan. Hindi ko tuloy agad naisulat ang tungkol sa terror prof. ko. Dalawa lang naman ang paraan ng paglalabas ko ng sama ng loob kung hindi pagsulat ay pag-iyak pero hindi na ako bata para umiyak na lang sa isang tabi. Pero hindi ko naman balak makipag-away dahil hindi ako nakikipag-away kahit noon pa man. Ayoko ng away lalo na ng gulo. Salamat na lang sa panibagong blog na ito. Hindi ko man mabigkas ang gusto kong sabihin kaya naman ng mga daliri kong sumulat para sa akin. Saamantalahin ko na ang pagkakataon na magpasalamat sa mga kaibigan ko na sina jessa, rona at jerica na nag-alala sa pagkawala ko ng isang araw sa klase. Ayoko sanang pag-usapan pa pero ang kulit niyo kasi talagang pagkaupo ko ay tinanung niyo na ko tuloy naluha ako. Sa lahat naman na hindi nagtanung salamat din dahil hindi ko na kinailangang magpaliwanag pa.hehhe Kay melissa na tinanong pa ako kung anung score ko sa practical. Pambihira! Hindi nga ako nakapasok ih..hehe hindi niya kasi napansing ala ako. At sa post ni kua ron na TV adds dahil napasaya ang magulong mundo ko.hehe

KAPRE

Pasado alas 9 na ng gabi ako nakauwi galing net cafe ng biglang may isang kapre lalake na tumawag sa akin at pinapalapit pa ko sa kanya. Aba! Demanding! Feeling close?! Hindi ko siya pinansin 'coz I don't talk to strangers nagulat na lang ako ng bigla niyang hinarangan ang daan ko. Pambihira! Natakot ako doon. Bigla kasing lumapit sabay tanung kung anung year ko na. Pinipilit pa niyang tingnan ang ginawa kong report. May sakit siguro sa pag-iisip yun, kung anu-ano kasi ang pinagtatanung. Malay ko ba kung bakit naninigarilyo ang lalaking nakita niyang dumaan at hindi niya talaga ako pinaalis hanggat hindi ko nabigyan ng papel na hawak ko. Buti na lang walang nakasulat na pangalan ko sa papel na yun kaya ok lang, scratch ko na pati yun. Sabay karipas sa paglakad. hahaha Ang kulit!! Papel lang pala ang gusto tinakot pa ako!





0 comments: