Isang bahay kung saan magagawa kong ipaalam ang mga saloobing hindi ko nagawang sabihin. Magandang pagkakataon din ito upang ibahagi ang aking karunungan (kung meron) at mga karanasan na sa aki'y nagbigay aral na hindi ko malilimutan. Magpasalamat sa mga nagmahal,nagmamahal,nagtitiwala at sumusuporta sa akin.Sa aking mga kapamilya, kaibigan, kakilala, kapuso, kaututang-dila, kabiruan at kaloveteam (kaloka.. may ganun?) na dahilan kung bakit hanggang ngayon nagagawa ko na magtiwala sa aking sarili higgit sa Dios upang gawin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. Lumipad upang abutin ang aking mga pangarap, bumangon pagkatapos madapa, ngumiti kahit nasasaktan, magmahal at magparaya. Kung alam niyo lang sana... kayo ang dahilan kung bakit ako ngayo'y nagsusulat. Salamat.
Friday, January 16, 2009
Sa wakas!
Ang pagpasok sa mundo ng mga bloggista ay isang bagay na kahit minsan ay hindi ko inasahang mangyayari. Mundo kung saan nagsimula ako bilang isang masugid na tagabasa ng blog ni KDR hanggang sa natutong magpagala-gala at napadpad sa blog ng iba't-ibang bloggista. Minsan nakikikomento, madalas hindi. Ewan ko ba kung bakit hanggang dito dala ko ang pagiging mahiyain maliban na lang sa bahay ni kua ronturon kung saan ang lakas ng loob kong magkomento mapa-lovelife, kulitan, biruan o anu pa man kasi kaya niyang sakyan. Kahit ang kamangmangan ko sa paggawa ng blog, kinaya niya. Salamat kuya ron dahil ngayon ang bahay ko ay naayos din. Sa wakas!
Isang bahay kung saan magagawa kong ipaalam ang mga saloobing hindi ko nagawang sabihin. Magandang pagkakataon din ito upang ibahagi ang aking karunungan (kung meron) at mga karanasan na sa aki'y nagbigay aral na hindi ko malilimutan. Magpasalamat sa mga nagmahal,nagmamahal,nagtitiwala at sumusuporta sa akin.Sa aking mga kapamilya, kaibigan, kakilala, kapuso, kaututang-dila, kabiruan at kaloveteam (kaloka.. may ganun?) na dahilan kung bakit hanggang ngayon nagagawa ko na magtiwala sa aking sarili higgit sa Dios upang gawin ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. Lumipad upang abutin ang aking mga pangarap, bumangon pagkatapos madapa, ngumiti kahit nasasaktan, magmahal at magparaya. Kung alam niyo lang sana... kayo ang dahilan kung bakit ako ngayo'y nagsusulat. Salamat.
2 comments:
-
Anonymous said...
-
hmm.. e3ng taong e2 ang nag paparamdam sakin ng pag papahalaga lam nyo ba yong tym na parang baliwala ka lang ng taong mahal mo tapos may darating na tau na khit ngayon mo lang nakilala mas masaya pa fellings u sa kanya ung ang naramdaman ko sa taong 2e un nga lang ako ang multo sa buhay nya na nagmamahal sa kanya kahit d kami nag kikita but darating dn un tym na un na kakikita ko sya at mayayakap at masasabing salamat sa lahat na pag mamahal na ipinakita nya sakin sa kunting panaho.. khit po ganto e2 napasaya ako kaya sa tuwing mag titxt sa sya sakin namimis ko ung taong e2 na minahal ko kahit complekado ako kc malau ako sa kanya.. ingat nlang po lague ha.. mwua..,iz na kita mahal; ko..
-
February 1, 2009 5:51 AM
-
Anonymous said...
-
Anonymous said...
hmm.. e3ng taong e2 ang nag paparamdam sakin ng pag papahalaga lam nyo ba yong tym na parang baliwala ka lang ng taong mahal mo tapos may darating na tau na khit ngayon mo lang nakilala mas masaya pa fellings u sa kanya ung ang naramdaman ko sa taong 2e un nga lang ako ang multo sa buhay nya na nagmamahal sa kanya kahit d kami nag kikita but darating dn un tym na un na kakikita ko sya at mayayakap at masasabing salamat sa lahat na pag mamahal na ipinakita nya sakin sa kunting panaho.. khit po ganto e2 napasaya ako kaya sa tuwing mag titxt sa sya sakin namimis ko ung taong e2 na minahal ko kahit complekado ako kc malau ako sa kanya.. ingat nlang po lague ha.. mwua..,iz na kita mahal; ko.. -
February 1, 2009 5:57 AM
At sa wakas nga!
nakita ko rin ang mahiwagang BLOG mo.. hahaha..
welcome sa blogging!
ronturon: haha mahiwaga ka dyan...salamat kua