Dalawang linggo sana akong mawawala para pagtuunan ng pansin ang mga bagay na mahalaga sa buhay ko sa labas ng mundong ito pero hindi ko pala kayang maglaho ng ganung katagal kaya nandito na naman ako.
Panahon na naman ng
crisis exam at patayan na naman ang labanan. Mapapalaban sa mga duguang mga tanung. Nosebleed.
huh! Ilang gabi na namang walang tulugan. Makatulog man ay saglit lang kaya uso na naman ang eye bags at mga tagihawat. Tatak ng mahaba-habang
inuman puyatan. Hindi ka IN pag ala na nito. (joke)
Wag man maging IN haha. At nagsimula na nga ang labanang ito. Pambihira! Akalain mong si estudyante blues ay nagpaka-studious. Naks naman!
Napilitan haha. Mula 10pm - 4am ay walang ginawa kundi magsaulo ng pangalan ng mga
mikrobyo.
Anak ng pating naman oh! Pati ba naman

mikrobyo kikilalanin ko? Buti sana kung pedro, petra, paquito lang ang pangalan eh mas sosyal pa sa pangalan ko at ang hahaba pa. Sino ba gumawa ng schizomycetes? Buhay pa ba?
Papatayin ko! 86 mikrobyo ang kakaibiganin ko. Alas tres na hindi pa ko nakakalahati. Gising na ang tatay ko , hindi pa ko nakakatulog. Umalis na at lahat hindi pa rin ako tapos. Bukod kasi sa nagsososyalang pangalan ay pati sakit na idinudulot ay aaralin din. Pasaway na mga mikrobyo 'yan, sakit sa ulo. Dahilan kung bakit may pimples ako ngayon.
Dyahe! Namamaga pa mga mata ko. Sana naman kayanin pa ng pipino ito. Hindi na ko magtataka kung bakit ayaw ng balikan ng mga kakilala ko ang subject na ito. Epistacsis ang abot. Dati rati numero lang ang hindi ko kasundo. Hindi ko naman akalain na ultimo mikrobyo makikilala ko.
Sana sa susunod prince charming ko naman ha. Teka, may microbiology ba ang ambalsamador? ohhh.... Nagtatanung lang naman. Pero pwede ba magshift?
hahaha Pero salamat sa katakot-takot na mga microbes dahil nakagawa ako ng makalokohang post bago pa man ako matulog. Ganito pala epekto ng alang tulog. Sabog! Boooom!
0 comments:
Post a Comment