Matutuwa ka ba kung pagkatapos mong paghirapan ang isang bagay ay walang pakundangan na lang itong gagayahin ng ibang tao?
Natural ang pagbibigay ng mga quizzes, reports at iba pang mga aktibidad upang masukat at malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga estudyante. Sa loob ba naman ng 14 taon na pag-aaral ko mula sa kinder garden hanggang kolehiyo ay hindi na bagong bagay ang mga ito. Nasanay na rin ako sa walang katapusang pagbubuklat ng libro, pagsusulat sa kwaderno , pag-uulat ng iba't-ibang usapin , paggawa ng takdang aralin, at kung anu- ano pang gawain na tinakda ni ma'am at ni sir. Ang hindi ko lang matanggap ay ang walang hangganan na pandarayang ginawa/ginagawa ng mga mag-aaral upang makakuha ng matataas na grado at napapasama pa sa mga natatanging estudyante o dean lister at hinahangaan ng marami sa talinong angkin. Oo, matalino na pati taktika sa pagsipsip sa teacher, pangongopya at pandaraya ay hasang-hasa. Mula noon at hanggang ngayon ay pansin na pansin ko ang mga gawi tulad ng paggamit ng kodiko na sinulat sa kapirasong papel, ilang bahagi ng katawan ,sa dingding o sa mismong upuan, pangongopya kapag walang takdang-aralin, pagtatanung sa katabi kapag hindi alam ang sagot sa tanung ni teacher at ang pasimpleng pagtingin sa hand outs habang nag-eexam para may maisagot huwag lang pahuhuli. Sino ba namang estudyante ang hindi nakakaalam nito?
Harapin na natin ang katotohanan na may slow learner at fast learner. Naiintindihan ko naman kung kapit talaga sa patalim ang ilang mga estudyante. Yung tipong nahihirapan maintindihan ang mga aralin kaya hindi ako nagdadalawang isip na turuan o pakopyahin sila.Minsan lang ako magpakopya at pinipili ko kung sino pakokopyahin ko. Inaamin ko iyan. Alam ko naman na kung hahayaan ko na masanay na lang sila na kumopya ay hindi ito makakabuti sa kanila dahil aasa na lang sila sa sagot na galing sa iba. Hindi rin ito makakabuti sa akin dahil pagnahuling nagpapakopya ay lagot na. Hindi ako henyo na alam ang lahat ng bagay. Nagtatanung at naranasan ko ring kumopya ng assignments pero nagpapaalam naman ko sa may-ari .Sino ba namang nag-aral ang hindi nakaranas nito? Pero ang mahalaga ay ang matutunan na hindi dapat sinasanay ang sarili na mangopya o magpakopya. Mas masarap kasi kapag nakuha mo ang isang bagay na mismong dugo at pawis mo ang puhunan. Kahit hindi makakuha ng matataas na marka ay kontento sa pinaghirapan ko.
Nakakapagtaka naman kung sino pa ang nakikitaan ng talino ay siya pa ang gumagawa ng kalokohan at hindi pa ginaling-galingan, nakita ko tuloy. Ibang klase talaga! Pinalampas ko ang unang pagkakataon na ginawa mo at heto ka na naman.Pambihira!Hindi ko pinanghihinayangan kung hindi ko man naperfect ang exam mahalaga lumaban ako ng patas. Aanhin ko naman ang perfect score na may halong karumihan? I am happy and contented for what i have and I don't want to have something I don't deserve!! “I would prefer even to fail with honor than to win by cheating”
At sa mga nagsasabi na it is better to cheat than to repeat ay hINdi rin no!! Kung gugustuhin talagang makapasa hindi sagot ang pangongopya o anumang maling paraan. Tutal naman nasa paaralan na at binigyan ng pagkakataon na makapag-aral ay bakit hindi samantalahing mag-aral? Ang dami kayang gustong mag-aral pero hindi makapag-aral dahil sa kapos sa pangangailangan. At para sa sarili mong kabutihan ang lahat ng iyan. Ikaw din ang aani ng pinaghirapan mong karunungan na hindi makukuha nino man. Edukasyong magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan. Sipag at tiyaga sabi nga nila at matatapos din yan!
0 comments:
Post a Comment